Yes. It is rainy season once again at nagsimula na ang countdown ng
Christmas. At madalas sa madalas, may malakas na bagyong tatama sa perlas ng
silanganan bago magsimula ang kapaskuhan. Dati, si Ondoy ang nanalanta.
Mahinang buhos ng ulan pero marami na pala iyon. Ngayon naman, si Pedring ang
nagyayabang. Oo puro yabang dahil napakahangin. Hindi nga ganun kadami ang
dalang ulan pero lintik naman humagupit. Sa bawat pagsbubok ay may aral na
iniiwan. Sa bawat bagyo ay naghihintay ang magandang sikat ng araw sa susunod
na araw. Anu ano ang naisip ko kung bakit ako nagsulat bigla Dalawa lang. At
ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Isa lang ang pinanggalingan ni Ondoy at Pedring –
ang tao.
Seryoso ba ako sa naisip ko? Oo.
Nakatira ako sa Marilao, Bulacan. Subukan ninyonghanapin kung nasaan ang ilog naming baka hindi ninyo na makita dahil
malamang sa malamang ay aakalain ninyo na itong isang tambakan ng basura. Noong dumating si
Ondoy umapaw ito at ibinalik lahat sa tao ang mga plastic at iba pang basurang itinapon dito.
Nagmistulang piyesta sa lahat ng aking madaanan. Nakasabit ang mga supot sa mga bakuran.
Bukod sa aking
tinuran, marami pang mga bagay na ginagawa ang tao na nakakaapekto sa ating kalikasan. Ang simpleng pagsindi ng sigarilyo, ang hindi
pagtanggal sa saksakan ng kuryente kung hindi ginagamit at pagsusunog ng tuyong dahon sa ating
bakuran ay nakakaapekto na sa ating kalikasan.
Kaya itanong mo sa
sarili mo kung ang mga simpleng bagay ay nagagawa mo upang hindi na makadagdag
pa sa parusang natatanggap ng kalikasan. Hindi natin kailangang maging henyo
para makabawas sa polusyon o makaisip ng solusyon. Mas simple mas maganda dahil
mas kaya.
2. Maging patas sa lahat ng bagay.
Kakaiba?
Hindi kaugnay sa kalikasan? Oo pareho ang sagot ko. Bakit kasali? Simple lang. Tayong mga Pinoy ay kilala sa
bayanihan sa oras ng pangangailangan lalo na sa sakuna. Masakit mang isipin, sa tuwing may
sakuna lamang tayo nagdadamayan. Sa araw araw may mga taong may mga pangunahing pangangailan
na wala sila tulad ng masisilungan, tubig at pagkain. Ilan lamang yan sa mga pagkukulang na
dapat matugunan hindi lamang ng gobyerno pero ng buong bansa.
Anong dapat
gawin? Makiisa. Isipin mo kung anong prinsipyo mo sa buhay. Panindigan. Maghanap ng grupo ng may
kaparehong prinsipyo at lumahok sa mga gawain nito. Hindi laging pera ang sagot sa lahat. Minsan,
mas nakakapagpagulo pa ang pera sa mga bagay bagay kung hindi nagagamit sa magandang
bagay. Mas simple mas maganda dahil mas kaya.
Hindi ko ito isinulat para lang
mangaral. Isinulat ko ito upang ibahagi ang aking naiisip at pananaw sa buhay
at mga nangyayari sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung madali nga bang gawin ang
naiisip ko. Pero ito lang ang sigurado ako. Mas simple mas maganda dahil mas
kaya. Tayo pa!

No comments:
Post a Comment