Yehey!!! Wala na kami…
Yehey! Wala na kami.
Wala na akong aalalahanin, wala na akong iisipin…
Pero hirap akong matulog sa gabi dahil bumabalik yung mga alaala noong magkasama kami.
Naiisip ko kung paano niya hawakan yung kamay ko, yung tipong nagsasabing hindi niya ako iiwanan.
Kung paano niya ako yakapin, yung nagsasabing hindi niya ako iiwanan.
At kung paano niya ako halikan, yung nagsasabing mahal na mahal niya ako.
Yehey! Wala na kami.
Hindi na ako iiyak pa…
Pero kapag gabi, nagagawa ko pa ring umiyak dahil na-mimiss ko siya.
Na-mimiss ko yung mga ngiti niyang nakakaloko, mga jokes niyang corny, mga tingin niyang nakakatunaw, tawa niyang nakakabaliw, pangungulit niya sa akin at kung anu-ano pang kapraningan na ginagawa niya.
Na-mimiss ko yun…
Yehey! Wala na kami.
Wala na akong tatawagan, hindi na ako magtetext sa kanya, at makaka-ipon na ako ng pera para sa sarili ko.
Pero sa tuwing hawak ko ang cell phone ko, lagi kong hinahanap ang pangalan niya.
Lagi akong na-tetempt na magtext sa kanya o di naman kaya tumawag.
Nangangati lagi ang daliri ko na pindutin ang ‘Write message’, i-type and message ko, i-scroll yung button para Makita ko yung number niya at i-pepress ko yung ‘Send’.
O kaya naman, i-scroll ko yung button para mahanap yung name niya tapos i-pepress ko yung ‘Call’ kahit na alam ko na mauubos na ang load ko at wala na akong pambili ng load (dahil kabibigay lang ni Nanay).
Kahit na alam kong hindi naman siya magrereply at hinding hindi niya ako tatawagan.
At kahit kailang, hindi na niya gagawin pang magparamdam.
Yehey! Wala na kami.
Magkakaroon na ako ng time para sa sarili ko, sa pamilya ko at sa barkada ko.
Pero sa tuwing lalabas ako ng bahay, kasama man ang pamilya o barkada ko, siya lagi ang naaalala ko.
Na sana kasama ko siya ngayon.
Na sana magkahawak kamay kaming namamasyal, naglolokohan, nagkukulitan at nagtatawanan.
Tapos, walang katapusang usapan kung saan kakain ng lunch. Kung sa Jollibee, McDo, KFC o Chowking.
Kung pupunta ba kami sa isang game arcade para maglaro ng video games o di kaya naman, kung maglalaro kami ng basketball, volleyball or badminton.
Tapos, ihahatid ko siya pauwi sabay nanakaw ng halik habang nasa biyahe.
Yehey! Wala na kami.
Hindi na ako magpupuyat sa kakatutok sa computer, aabutin ng medaling-araw kaka-chat sa kanya.
Pero sa tuwing gagamit ako ng internet, bubuksan ko ang Yahoo Messenger, MSN Messenger, ICQ at MIRC. Dahil baka sakaling dumating siya.
Makausap ko man lang, makikipagkulitan at baka sakalaing magkaliwanagan kami at maibalik ang dating kami.
Yehey! Wala na kami.
Wala na akong significant other. Pwede na akong tumingin sa iba at magkaroon ng bagon love life.
Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako magmamahal pa ulit. Dahil siya lang ang mahal ko.
Siya lang ang nakaka-kumpleto sa araw ko.
Siya lang yung inspirasyon ko sa mga bagay bagay.
Siya lang yung nakakaintindi sa akin kapag may problema ako.
Siya lang yung nakakapagpatahan sa akin kapag umiiyak ako.
Siya lang ang buhay ko.
Siya lang. Wala nang iba.
Magmamahal din ako.
Pero hindi muna ngayon. Hindi muna……
